The Caring Adult Day Healthcare Center
Mahigit 30 taon na ang aming karanasan, at lisensyado ng Commonwealth of Kentucky ang aming center bilang isang medical model. Binubuo ang aming staff ng mga mapagmalasakit na taong may espesyal na pagsasanay upang matugunan ang mga pangangailangan ng aming mga kliyente. Pinangangasiwaan ng isang lisensyadong nurse ang mga pang-araw-araw na aktibidad at handang tumulong kapag may alalahaning pangkalusugan. Nag-aalok kami sa mga nakatatanda ng pagkakataong makisalamuha at makibahagi sa mga aktibidad sa isang lugar na malayo sa tahanan, habang nabibigyan din ang mga caregiver ng personal na oras para magtrabaho o umidlip. Natatangi ang bawat kliyente, at nais naming maging personal ang kanilang karanasan. Nakikibagay kami sa kanilang kalagayan sa kasalukuyan. Tinawag kami ng aming mga kliyente na Golden Agers Club at buong pagmamahal na tinatawag kaming "The Club", kaya itinuturing kaming masayang lugar ng pagtitipon na kanilang inuuwian sa pagtatapos ng araw. Makatitiyak kayong nabibigyan ang inyong mahal sa buhay ng pakikisalamuha at pagpapasigla ng isip at katawan ayon sa kaya niya, at ligtas siya.

Matatagpuan ang Adult Day Healthcare Center sa aming Oldham County Senior Life Enrichment Center sa Buckner, sa 1015 Dispatchers Way. Available ang aming mga serbisyo tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, mula 8:30 am hanggang 4:30 pm. Flexible ang iskedyul upang matugunan ang mga pangangailangan ng tagapag-alaga; kayo ang pipili ng mga oras at araw ng pagdalo. Maaaring magsaayos ng opsyonal na transportasyon papunta at pauwi mula sa center upang higit na maging malaya ang kliyente o kung kinakailangan ito. Karaniwang mahigit 60 taong gulang ang aming mga kliyente at nangangailangan ng pagbabantay dahil sa dementia na dulot ng Alzheimer’s disease, stroke, Parkinson’s disease, o halos 150 iba pang kondisyong medikal. Nahihirapan silang mag-isip nang malinaw o gumawa ng mabuti at ligtas na mga desisyon. Gayunman, isasaalang-alang nang paisa-isa ang mga taong maaaring gumala palayo o madaling mabalisa o maging agresibo. Araw-araw, naghahain kami ng magaan na almusal sa mga kliyenteng dumarating bago mag-9:30 am, at nagbibigay ng tanghalian at meryenda sa hapon. Makikipagtulungan kami sa mga tagapag-alaga upang matugunan ang mga pangangailangan sa pagkain. Maaaring kabilang sa aming mga aktibidad ang iba’t ibang uri ng musika, magaang ehersisyo, talakayan, pagbabasa, laro, baraha, o TV. Depende sa tagal ng atensyon ng kliyente, maaari naming palitan ang mga aktibidad makalipas lamang ang 15 minuto. Maaaring gumagawa ng aktibidad ang mga kliyente nang mag-isa, sa maliit na grupo, o sa malaking grupo. Nagbibigay kami ng tulong ayon sa pangangailangan ng bawat isa, kabilang ang pakikilahok sa mga aktibidad, paghahanda ng pagkain, pagkain, pag-inom ng gamot, at personal na kalinisan.Karamihan sa aming mga kliyente ay nagbabayad mula sa sariling bulsa dahil hindi saklaw ng Medicare ang mga serbisyo ng Adult Day; gayunman, kung mayroon kayong long-term care o ibang insurance policy, matutulungan namin kayong maghain ng claim para sa mga benepisyo. Sinisikap naming panatilihing pinakamababa sa Kentucky ang aming mga bayarin. Tumatanggap din kami ng VA benefits at Medicaid kapag naaprubahan, na karaniwang sumasaklaw din sa transportasyon. Pag-isipan ito—ang dementia lamang ay hindi medikal na dahilan upang ilipat ang isang tao sa mahal na pasilidad ng nursing home na may 24/7 na pangangalaga. Maaaring kailangan ninyo ng panahon upang kumonsulta sa abogado, maghanda, lumipat, o magbenta ng bahay. Lagi kaming bukas na makakilala ng mga bagong kaibigan. Nakakapagod sa isip at katawan ang pag-aalaga sa taong may dementia. Kailangan dito ang pagtutulungan ng isang team, at narito kami upang tumulong! Alamin ang tungkol sa amin sa lalong madaling panahon…huwag nang maghintay hanggang sa lubos na kayong mahirapan. Makipag-ugnayan sa kinatawan ng Adult Day sa 502-222-1349 para sa karagdagang impormasyon at humiling ng admission packet.

